ANAK NI SEN. JINGGOY ESTRADA, BINUGBOG UMANO SA ISLA NG BORACAY

native

Administrator
ANAK NI SEN. JINGGOY ESTRADA, BINUGBOG UMANO SA ISLA NG BORACAY

NEWS UPDATE: Pinagsusuntok ng tatlong binata ang anak ni Sen. Jinggoy Estrada at ang kasama nito sa Station 2, Boracay dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Ayon sa mga nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, pauwi na mula sa isang bar ang mga biktima at naglalakad patungong D’Mall nang bigla silang sundan at bugbugin sa tapat ng isang hotel sa Brgy. Balabag.

Kinilala ang mga suspek na sina James Carl Vargas y Jason, Dwyne David Mecca y Delos Santos, at Khenjie Sarabia y Dumalaog, pawang 18-anyos at residente ng isla.

Sinuntok umano ng isa sa mga suspek ang isa sa mga biktima, habang ang umaawat ay tinulak at sinuntok din ng mga kasamahan.

Agad rumesponde ang mga pulis at naaresto ang mga suspek. Isinugod sa ospital ang isa sa mga biktima para sa medikal na atensyon.

#NewsUpdate #MaulingIncident #Boracay
 
Back
Top