native
Administrator

Since nire-recommend ng friends ko si Naturale for concealer, nag-wait ako sa 6.6 sale since it's on the pricier side. While watching, medyo na-off na ako sa owner since tinataasan niya ng boses yung people behind the cam, like sinasabi niyang di daw maayos ang pwesto ng camera o kaya nung ilaw, na para bang wala silang testing ng setup before mag-live. Tapos dinidisregard niya yung ginagawa ng staff niya as in pag may nag ask ng shade then ipapakita ni staff yung shade nireremove niya agad, gusto niya sila lang may control.
Then habang naka-live na sila both on TikTok and Shopee, iba pa yung sumasagot sa inquiries sa Shopee. Tapos, pag nasasabayan siya magsalita nung babae, naiinis siya, sinasabing, “Ano ba 'yan, ang daming ine-entertain na questions” or “Nag sasapawan tayo eh” in a high tone manner. So yung babae sa tabi niya, natahimik na lang habang on live.
My last straw was when someone asked sa live, “Ano pong shade pwede sa akin if ganitong shade ako sa [other brand]?” Then the owner answered, “Wag po kayong nagtatanong ng ganyan, wala kaming basehan niyan dito, hindi namin alam."??? Miss, you've been in the industry for long enough to know how to take one step forward and make an effort for your customers by just doing shade range classifications and comparing them to available shades ng other famous brands online.
What is so hard about labeling your concealer like “Neutral cool tone could be the same shade as this and that from other brands”? Super accessible ng shade matrix eh.